Subscribe:

Lunes, Marso 5, 2012

DAILY HOROSCOPE ni MADAM ROSA - March 6, 2012



Marso 6, 2012
Ni Madam Rosa


Pagtitibay: Nasa sariling kamay kung anong kinabukasan ang naghihintay. Kung aasa na lang o matututong kumilos sa sariling paraan para guminhawa.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung may gustong sabihin, huwag patagalin dahil magbibigay ito ng suliranin sa kalaunan. Iwasan ang magsinungaling. Maging tapat sa sarili at kapwa. Pairalin ang disiplina sa sarili upang maiwasan na magalit at magsungit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 37, 40 at yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Mapagtutuunan ng pansin ang mga kasamahan sa trabaho o tahanan. Mag-ingat sa kilos at pana­nalita upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Makakaasa ng tulong mula sa tapat na kaibigan kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 35, 38 at gray.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Dahil sa mga obli­gasyon, pangunahing suliranin ang pera. Madali ang solusyon ng problema kung hindi magi­­ging emosyonal dahil makapag-iisip ng magandang paraan. Ngayon mapapatunayan kung sino ang tunay na kaibigan. May makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 6, 23, 30, 41 at light green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Maghanda sa hindi magandang pangyayari na darating. Alamin muna ang puno’t dulo bago magkumento. Huwag mapadalos-dalos. Maghunos-dili at iwasan na magalit. Mag-ingat sa hold-uppers at snatchers. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 39 at lavender.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos nang walang hadlang. Isang kaibigan o kamag-anak ang malamang darating at dadaing ng kanyang problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 32, 40 at green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kadalasan sa pagmamadali ay magbubunga ng pagkakamali. Kung sisimulan ang pagtuwid sa masamang karanasan, magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Ngayon mo mapagtatanto na tama sila at mali ka. Lucky numbers at color for the day ay 16, 25, 37,41 at peach.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang maging emosyonal ay dapat iwasan sapagkat sisirain ang maganda mong araw. Maging mahinahon kung magulo ang isip upang madaling makapag-isip ng solusyon. Iwasan ang manghiram ng pera ngayon dahil mahihirapan sa pagbabayad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 27, 40 at red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Ang transak­s­yon ay mabubuo. Iwasan na mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Kung may tipanan, huwag sa umaga dahil hindi ka sisiputin o hindi ka makakarating. Lucky numbers at color for the day ay 3, 27, 35, 39 at blue gray.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – May pagsubok na magaganap na kailangan ang talino at pag-iingat mula sa nakakataas. Maayos ang takbo ng mga gawain. Isang kamag-anak o kaibigan ang hihingi ng tulong tungkol sa pera o bagay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 24, 42 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Nakasentro ang pangyayari sa personal na gawain. Matutupad ang matagal nang pangako. Kung makakadalo sa sosyalan may pagkakataon na makatagpo ng taong­ makakatulong sa personal na kailangan o tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 24, 36 at royal blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Iwasan na matali ang sarili sa mahigpit na pangako dahil hindi makakatupad. Bigyang-halaga ang katuwiran at panig ng iba. Nanaisin mong matigil sa bahay kaysa mamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 16, 33 at aqua blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin o tawad. Maganda ang pagkakataon upang maisakatuparan ang matagal nang hinahangad. Iwasan ang maging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 39 at jade green.




Source: Pilipino Star Ngayon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Search TV Shows

Like us on Facebook

Sponsor

Recent TV Shows

Philippine Entertainment News

Search TV Shows