Subscribe:

Huwebes, Pebrero 23, 2012

DAILY HOROSCOPE ni MADAM ROSA - Pebrero 24, 2012


Pebrero 24, 2012
Ni Madam Rosa

Pagtitibay: Ang karunungan ay dapat isagawa para magkaroon ng kapakinabangan.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Iwa­san ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makakainit ng ulo. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color of the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) — Ang gawain na hindi nagawa o napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Ma­kakapag-relax ka. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 12, 27 at beige.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – May gantimpala na nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Magiging masuwerte kung kikilos at gagawin agad ang binabalak. Lucky numbers at color of the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pagkakaisa sa tahanan, maging sa mga kasamahan ay tawag ng pagkakataon. Panahon para humingi ng tawad at magpatawad. Lucky numbers at color of the day ay 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag palampasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color of the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil may hindi magugustuhan. Lucky numbers at color of the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag ipagwalang-bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ito ng buong tatag at panagutan. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Huwag mag­padalus-dalos. Lucky numbers at color of the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Matiwasay na magagampanan ang tungkulin. Lucky numbers at color of the day 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –Kakapusan ng pera ang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color of the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Magiging maswerte sa ano mang uri ng negosyo kung makapagsisimula ngayon. Lucky numbers at color of the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol upang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color of the day ay 4, 10, 16, 33 at pink.



Credits to : (Pilipino Star Ngayon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Search TV Shows

Like us on Facebook

Sponsor

Recent TV Shows

Philippine Entertainment News

Search TV Shows