Subscribe:

Huwebes, Pebrero 23, 2012

TRUE CONFESSIONS [May Isang Pangit] ep 4



May Isang Pangit (4)
Ni Ronnie M. Halos

NANG maamoy ni Tiburcio ang adobong manok na niluluto ni Tiya Encar sa kusina ay tumayo ito para tingnan kung puwede nang kumain. Sumunod naman si Torn sa pinsan.

“Sa amoy pa lang, ha­latang masarap na masarap ang adobo mo, Tiya Encar.”

Sinilip ang kumukulong gata. Madilaw. Pawang laman ng manok.

“Sandali na lang ito, Tibur. Madaling lumambot dahil mga dumalaga ang pinatay kong manok. Alaga yan ni Tiyo Iluminado mo.”

“Tamang-tama Tiya Encar talagang nagpagutom ako.”

“Sandali na lang. Ini-inin na lang ang kanin. Bagong ani itong kanin na isinaing ko. Kabahagi ko ito sa kapiranggot na bukid na namana ko.”

“Mabuti at may namana ka Tiya Encar. Sina Itay at Inay ay wala dahil naisang­la at naremata. Pero kung ipagbibili uli sa akin ang narematang yun, babayaran ko kahit magkano.”

“Hayaan mo at ipagtata­nong ko kung ipagbibili uli.”

“Para naman may alaala sina Itay at Inay.”

“Oo nga. At saka para ma­ dalas kang dumalaw dito. Mas maganda kung may ari-arian ka rito para madalaw mo lagi kami.”

“Hayaan n’yo at lagi akong magbabakasyon. Isasama ko ang asawa ko para makilala n’yo naman siya.”

“Siguro napakaganda niya ano?”

“Hindi naman siya kagandahan, Tiya Encar. Ang maganda sa kanya ay ang puso.”

Napangiti si Tiya Encar.

“O puwede na tayong kumain. Magsasandok na ako.”

“Si Tiyo Iluminado bakit wala pa?”

“Darating na yun. Marami kasing pasahero ngayon kaya siguro wala pa. Kailangan ka-sing kumita dahil magtu-tuition na naman si Torn.”

“Sige ako nang magpapaaral dito kay Tornado. Huwag na kayong mamroblema sa pagpapaaral dito at ako nang bahala. Pati allowance niya sagot ko.”

Hindi makapaniwala si Tiya Encar. Gusto pa yatang umiyak sa pagkabigla.

“Huwag ka nang iiyak Tiya Encar at marami pa akong ibibigay bago ako bu­malik sa Australia. Relaks ka lang.”

Napangiti si Tiya Encar. Minadali ang pagsandok sa adobong manok. Sinandok ang kanin. Makintab ito at umuusok na inihain kay Tiburcio. Naglalaway naman si Tiburcio sa pagkaing nasa harapan niya. Ngayon lang uli siya makakatikim ng adobong manok na Tagalog.

(Itutuloy)



Credits to: (Pilipino Star Ngayon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Search TV Shows

Like us on Facebook

Sponsor

Recent TV Shows

Philippine Entertainment News

Search TV Shows