Subscribe:

Biyernes, Pebrero 24, 2012

TRUE CONFESSIONS [May Isang Pangit] ep 5


May isang pangit (5)
Ni Ronnie M. Halos
HABANG kumakain nang nakakamay ay patuloy na nagkukuwento si Tiburcio kina Tiya Encar at Torn. Ma­ sayang-masaya siya habang nilalahad ang mga nangyari sa kanya bago narating ang magandang kalagayan sa buhay.

“Malaki ang naitulong sa akin nang pagkababad nang matagal sa bukid. Kung hindi ako naging mag­bubukid ay hindi ako matatanggap sa trabaho sa abroad. Bago kasi ako napunta sa Australia ay nag-Saudi muna ako.”

“Talaga. Aba marami ka palang napuntahan, Tibur. Nag-Saudi ka pa pala.”

“Opo, Tiya Encar. Napakarami kong naranasan ko bago ko naabot ang kalaga-yang ito. Gusto kong ulit-ulitin ang kuwento ko.”

“Nagtaka nga kami nang bigla kang mawala. Hindi namin alam kung saan ka nagpunta.”

“Hindi na ako nagpaalam sa inyo. Sabi ko, babalik na lang ako kapag maayos na ang buhay. Napilitan na rin kasi akong umalis dahil yung bukid nga namin na nakasangla ay nireremata na.”

“Ayaw mo naman kasing tumira rito sa amin. Hindi naman kita mapilit. Siguro nga ay meron kang ibang balak sa buhay mo, Tibur.”

“Mayroon naman kasi akong naipong kaunting pera at iyon ang binaon ko patungong Maynila. Mas marami naman ang baon kong paniniwala na tutulu-ngan ako ng Diyos. Dasal ako nang dasal na sana ay may taong tumulong sa akin.

“Habang patungo sa Maynila ay may nakatabi ako sa upuan ng bus na isang matandang babae. Nagkakuwentuhan kami. Siya raw ay dadalaw sa anak niya sa Sampaloc, malapit sa Espana St. Marami siyang bitbit na pasalubong. Tinanong niya ako kung saan sa Maynila, pupunta, sagot ko ay wala. First time ko na pumunta sa Maynila. Sabi sa akin, kung wala raw akong tutuluyan ay sumama muna sa bahay ng anak niya at bahala na kung ano ang maitutulong niya.

“Hindi ako makapaniwala. May sagot agad ang Diyos sa dasal ko. Napa-kabilis naman.”

Nakatingin sina Tiya Encar at Torn kay Tibur. Hinihintay ang karugtong ng kuwento. (Itutuloy)




Credits to: (Pilipino Star Ngayon)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Search TV Shows

Like us on Facebook

Sponsor

Recent TV Shows

Philippine Entertainment News

Search TV Shows